Q: HINDI AKO SURE KUNG PWEDE BA UNG SUSUOTIN KO. ANO PWEDE KO GAWIN?
A: Lagi po kaming open para sa mga questions. May provided po na contact number para makalapit po kayo samin kung hindi po kayo sure :)
Q: Gusto ko sana magdala ng iba pang bisita, pwede ba?
A: Hindi po. May mga inilaan po kaming bisita para sainyo na makikita sa inyong Invitation na aming ipinadala. Ang ceremony at reception venue po ay limitado lang sa mga taong imbitado.
Q: Pwede ko ba dalhin mga bata?
A: Hindi po. We love kids! Pero po ang wedding ceremony ay isang pagtitipon ng mga matatanda. Kaya sana po mga matatanda lang ang aattend.
Q: MAY PARKING SPACE BA?
A: Opo. No worries po, malawak po ang parking space sa Kapilya at sa Reception venue
Q: Pwede po ba kami kumuha ng pictures at videos sa ceremony?
A: Hindi po, nais po namin mapanatili ang solemnidad ng ceremony. Mahigpit din pong ipinagbabawal ang paggamit ng kahit anong electronic device sa loob ng Kapilya.
Q: 1ST TIME KO KASI AATTEND NG KASAL/ 1ST TIME KO AATTEND NG INC WEDDING CEREMONY, ANO MGA DAPAT GAWIN?
A: Palagiin lang po na sumunod sa mga rules habang nasa loob po ng Kapilya para mapanatili po ang kaayusan. No worries po, may magaassist naman po sanyo. Maganda din po kung masusunod po ang theme na binigay namin at rules tungkol sa plus ones at pagdadala ng mga bata.
Q: Pwede ba dumiretso na sa reception venue?
Hangga't maaari po sana nais po namin kayo makasama simula sa wedding ceremony hanggang matapos ang reception program.