Top Theme Image
Top Theme Image

Ben & Glo

July 14, 2025 • Malasiqui, Pangasinan, Philippines

Ben & Glo

July 14, 2025 • Malasiqui, Pangasinan, Philippines

Isang Kuwento ng Pag-ibig na Sinubok ng Panahon

Noong Hunyo 1973, sa Standard Institute sa Rosales, Pangasinan, unang nagtagpo ang mga landas nina Ben Sr. at Gloria. Mula sa simpleng pagkakakilala ay unti-unting namuo ang isang pag-ibig na pinanday ng respeto, pag-unawa, at malasakit.


Sa harap ng Diyos at ng kanilang mahal sa buhay, pinagtibay ang kanilang pagmamahalan sa unang pagkakataon noong Hulyo 14, 1975, sa pamamagitan ng United Church of Christ, sa pangunguna ni Pastor Jose Luna.


Lumipas ang panahon, lumalim ang kanilang samahan, hindi perpekto, ngunit puno ng pagkakaunawaan, pagtanggap, at tiwala. Sa patuloy na paggabay ng Panginoon, muling sinariwa ang kanilang sumpaan sa isa’t isa noong Hulyo 28, 1992, sa St. Ildephonse Parish Church, sa pamamagitan ng Marriage Encounter na pinangasiwaan ni Fr. Abraham Esquig.


Sila ay biniyayaan ng anim na anak, na naging sentro ng kanilang mundo at bunga ng isang pag-ibig na totoo at wagas. Ang kanilang pamilya ay salamin ng pananampalataya, sakripisyo, at walang sawang pag-aaruga. Ang kanilang mga anak ay patunay ng matibay na pundasyong moral at pagmamahal na kanilang itinanim. Sa pamamagitan ng pagpupursige at sakripisyo, napagtapos nila ang kanilang anim na anak na siyang nagsilbing inspirasyon at biyaya sa kanilang buhay mag-asawa: Gloridy De Vera, isang guro, Shiela De Vera-Miranda, isang pharmacist, Evelyn De Vera-Pagador, isang accountant, Bienvenido De Vera, Jr., isang engineer, Virgilio De Vera, isang IT specialist, at Estela De Vera-Barasi, isang pharmacist. At ngayon, ang kanilang mga anak ay patuloy na dala-dala ang mga kabutihang aral na itinuro ng kanilang mga magulang, mga aral ng pananampalataya, respeto, malasakit, at pag-ibig na kanilang isinasabuhay at ipinapamana rin sa sarili nilang mga pamilya.


Sa loob ng limampung taon, nanatiling matatag ang kanilang pag-iisang dibdib na nakasentro sa Panginoong Diyos, pinatibay ng paggalang, pagmamalasakit, pagbibigayan, at tiwala. Ang kanilang kwento ay paalala na ang tunay na pag-ibig ay hindi lang nararamdaman, ito’y pinaninindigan araw-araw.