Yay! We're finally tying the knot here's our online Wedding Website and Save the Date! Your presence will make our day complete. We can't wait to celebrate our love with you! - Love, Jerson and Carmela
Yay! We're finally tying the knot here's our online Wedding Website and Save the Date! Your presence will make our day complete. We can't wait to celebrate our love with you! - Love, Jerson and Carmela
🌸 CARMELA's POV 🌸
A quick blast from the past - We've known each other since I first transferred in at our Church/Kapilya Lokal in 2018, and I've always been waiting for him at the Kapilya gate. and even though my PNK tupad sa Dako ay malapit ng mag umpisa, I am still waiting to see him kasi nga I HAVE A BIG CRUSH ON HIM (Noon hahah) masungit din po siya sa akin.
We went to Church duty, because we are in the same Choir - Mang aawit po ako at siya ay aming Organista that time.
There are many reasons why we should not talk before but there are also many times na hindi pa posible.
"hindi pa, hindi pa pwede." - Because I believe those you've met before will put you through many heartbreaks before you meet 'The One'.
As fate would have it, we met again in way back 2020 Covid Lockdown, tandang tanda ko pa nung kinukulit niya ako makipag duet kasi gusto niya lang hahahah tapos parehas pa kaming nanonood ng The Heirs ni Lee Min Ho, and madalas kami magkausap para lang kung ano nangyari sa Episode ng 'The Heirs' ni Lee Min Ho. Fast forward, We talked about so many things, got along and even laughed at some corny jokes.
There are many more things that have happened and reasons why not yet.
From duet request and for his loooong and patiently waiting for me (almost 1 year din siyang nanligaw)
Hindi ko po siya nakitaan na napagod, nag-pause siguro hahah pero he never gets tired pala to love me (hay ang ganda ganda emerut) - Then I've made the best and biggest decision of our lives,
Because I felt that after he waited for so long, I didn't want to lose him and wanted to be with him.
DECEMBER 26, 2021
Finally i said "Yes" sa Kapilya ko siya unang nakilala sa Kapilya ko din siya sasagutin kasi gusto ko makita ng Ama lahat ng mga Panata ko sa Kaniya.
To be continue na lang po sa Wedding baka kung ano pa masabi ko hehehe.
🌸 JERSON's POV 🌸
(nakataas lang kilay at tumatawa lang siya habang binabasa po ito, hindi ko alam kung mag lalagay o magkwekwento siya.)
See you po sa Wedding namin!
Nagkakilala kami noon ni Carmela way back 2018 ay nagtransfer sila sa lokal ng punturin, and that time she is ordinary church mate lang for me wala siyang dating sakin dahil nasabi ko nga sa kniya na she looked like a probinsyana knowing that galing pa silang Bulacan at ang pananamit ay very province style din hahaha 🤣 kahit pa sinabi niya sa POV niya na crush niya ko noon ay hindi ko naman yun alam dahil hindi naman halata or wala lang talaga akong interes sa mga ganung bagay pa before dahil nga halos kagagaling ko lang noon sa past relationship ko at hindi rin naman naging successful at nagtagal.
Fast forward: ang bff niya sa work na si Justine Aycardo minsan na binanggit sakin na crush nga ako ni Carmela and ako naman no care parin, hanggang sa mag lockdown na year 2020. Babad ang mga tao noon sa social media para maaliw ang mga sarili at kaniya kaniya nang upload ng mga entertainment videos kumakanta nagtitiktok etc. Ako naman ay nahilig mag cover ng kung ano-anong kanta hanggang sa June 2020 ay kinulit ko siya na mag duet kami at ang napili ko pa ay I like you so much and you know it dahil kay kristel fulgar at Benedict Cua cover hahaha so mejo ang hirap niya kulitin dahil busy busyhan siya. Hanggang sa isang gabi ay nagpasa na siya sa akin ng cover ng kanta niya para i duet ko naman.
Halos magdamag akong nag edit ng cover namin at inabot ako ng madaling araw na. Noong kinaumagahan ay natapos ko na at ipinasa sa kniya, tuwang tuwa naman ako at nagustuhan niya at pakiramdam ko mejo kinikiligkilig pa siya 😂 HAHAHAHA pero hindi pala" 😂
Hanggang sa na upload ko na ito sa FB acct ko at nag trending nga. Dito ay madalas na ang chatting namin about sa kdramas na The king Eternal Monarch ni Lee min ho hindi the heirs! 😂 HAHAHAHA at hanggang sa umabot na ang pasalamat 2020 at excited ang lahat bumalik sa kapilya dahil sa lockdown.. excited ako dahil magkikita na kami at aminado na ako sa sarili ko na masaya ako at gusto ko na siya makita lagi. "Na fall na" dahil sa duet... 😂
Fast forward ulit: Busy nga pala siya sa Korean Lessons niya that time at ang galing na niya dito kaya lalo akong humanga sa kniya... Hanggang sa nagkaron siya ng certificate at achievements kaya naisip ko na regaluhan siya ng malaking bouquet or red Roses 🌹 sa woboba kami nag kita kasama pa si Justine at Rainville.