You are invited 😊
Schoolmates kami nung highschool, sobra akong nagulat at kami pala ang magkakatuluyan. Sa totoo lang, hindi nga kami nagpapansinan 17 years ago. HAHAHA. Ang naalala ko lang talaga about him ay yung nakatayo sya sa stage ng school, yun lang basta matangkad , sobrang tangkad na payat na lalaki, sporty sya kasi laging player nung Intrams at honestly nagagalingan ako sa kanya, nakikita ko na sya noon na makulit at maingay pero, never talaga kami nagkausap. HAHAH.
Hanggang sa naging friends kami sa FB, naging mas active na din ako sa social media nung nagstart na ako magwork. Mahilig ako magpicture ng mga pagkain tapos ipopost na FB story yung mga foodtrip namin ng mga kawork ko, so alam nyo na bakit bigla din akong tumaba. HAHA. Dito nya daw ako mas simula napansin, kasi sabi nya ang cute ko daw at nagulat sya n tumaba ako e sobrang payat ko lang din noon, binibiro lang yata ako CHAROT, pero palagi naman sya nagha-HEART react sa mga fb post ko.
Naging on and off ang usapan, nagsimula din sa matinding "HI". HAHHAHA, hanggang sa hindi ko inaasahang pagkakataon, pandemic noon nagkausap ulit kami and honestly that time, hindi maganda yung pakiramdam ko, bigla syang nangamusta ulit, pero dahil funny nga sya, madaming jokes at hindi boring kausap, kahit papano naging okay yung mood ko. And that day, yun na yung naging simula, halos araw-araw na kaming magkausap, hindi na sya nawala hanggang ngayon eto IKAKASAL NA KAMI.
Yung 17 years ago na walang Hi and hello noong schoolmates, naging Good Morning hanggang Good Night na. Noon, nakita ko lang sa stage, ngayon every week ko ng ka-date and everyday ng kavideocall. Noon, naalala ko lang na player sa school pero ngayon sobrang dami nyang pinatunayan na KAHIT MINSAN HINDI NAGING LARO ANG RELASYON NAMIN LALONG LALO NA ANG PAGMAMAHAL NYA SAKIN.
Sobrang mabait, sobrang masipag, palaging nag iisip kung paano nya mas maachieve lahat ng pangarap nya. Honestly, nung dumating sya sa buhay ko, lahat para sakin naging madali, may kusa sya sa lahat ng aspeto at magaling kumilala pati sa pamilya ko.
Napakaswerte ko at sya ang magiging lifetime partner ko, kaya naman super excited na ako , finally magiging delos Reyes na ako :-)
Minsan, ang pag-ibig dumarating sa oras na hindi mo inaasahan.
Isang simpleng araw, isang simpleng Hi. 😊doon nagsimula ang lahat.
Si Dondon, tahimik pero totoo.
Si Crystal Pearl, masayahin at may pusong kasing kinang ng kanyang pangalan.
Dalawang taong magkaibang-magkaiba, pero pinagtugma ng tadhana.
Noong una, hindi namin agad nakita kung gaano kami ka-perfect para sa isa’t isa.
Pero habang lumilipas ang mga araw, lumalim ang kwentuhan, dumami ang tawanan, at unti-unting naramdaman…
Na iba ‘to. Na totoo ‘to.
Dumaan kami sa mga pagsubok — misunderstanding, away, at mga pagkakataong halos sumuko.
Pero sa bawat problema, isa lang ang paulit-ulit naming pinipili: ang isa’t isa.
At ngayon, narito kami.
Hindi na ito simula ng kwento — ito ang simula ng pang habambuhay.
Ngayong araw, pinipili naming tumaya sa pag-ibig.
Hindi dahil madali… kundi dahil sigurado.
Ako Si Dondon, ang tahanan ni Crystal.
Sya si Crystal, ang liwanag ni Dondon.
At mula ngayon, sabay na naming haharapin ang bukas — bilang mag-asawa, bilang partner, bilang isa.
#FinallySettleDONwithTALA