"Your presence at our wedding ceremony would make our special day even more perfect." We would love it if you could follow the dress code:Red/Burgundy

Top Theme Image
Top Theme Image

Rex & Joy

December 26, 2025 • Surigao City, Surigao del Norte, Philippines

Rex & Joy

December 26, 2025 • Surigao City, Surigao del Norte, Philippines

OUR STORY

EVM CUP JULY 7 2025,

Sa malayuan lamang kami nagkatinginan ni Ka Rex at di po kami nagkausap sapagkat abala rin kami sa pag-aasikaso ng merienda para sa mga players. Subalit, pag uwi namin after ng aktibidad, mga around 8pm ay ng message si Ka Rex sa akin at dun na nagsimula ang aming kwento.


JULY 10 2025

Picture of JULY 10 2025

Araw ito ng pagdalaw ng Ka Rex sa tahanan namin kasama ng kaniyang Ama, ang Daddy Roger Ytang. Pormal nila kaming binisita at kinausap din ang aking Mama, Lolo at Lola. para ako rin ay personal na makita ng kaniyang Ama.

Sa larawan na nasa itaas ay wala ang aking Mama , hindi na sya naka sali sa picture kasi umalis din kaagad si mama kasi may trabaho pa .at si papa din wala nong time na yun kasi may trabaho.

Di ko lubos akalain na sa maikling oras na aming pag-uusap ay magiging memorable sapagkat ang bilis naming nakapalagayan ng loob at para bagang napakapayapa ng pag uusap, maging ang dalisay na layunin ng Ka Rex sa pagdalaw sa akin ay aking nadarama.

JULY 13 2025

Picture of JULY 13 2025

Sa araw na ito ay muling bumisita ang Ka Rex sa amin sa paghahangad na makausap din si papa. Mula sa trabaho ay big lang dumating si Papa at maayos naman silang nagkausap. Abot-batok ang ngiti ng Ka Rex pagkatapos ng pag-uusap nila ni papa. Naging maayos naman ang lahat at nagkakaunawaan.

AUGUST 03 2025



Joy story:

Ito yung araw na hindi hindi ko makakalimutan kasi habang nasa opisina ako ay biglang nagmessage si Ka Rex sa akin na umuwi ako ng bahay kasi may sasabihin sya, at pupuntahan nya ako sa bahay namin. Ako din, nung habang nagsusulat, Di ko alam gagawin ko kasi kinakabahan ako. Bigla akong umuwi, panay isip kung may problema ba at kung bakit ganun siya magsabi sa akin na umuwi ako at may sasabihin na para bang may balitang Di ko lubos maisip kung anoman. Halos di na ako maka lakad nang maayus kasi kinakabahan ako, tapos ng naka uwi na ako ng bahay at andun sya, diko talaga alam kung ano meron o kaya ay anong problema. Meron syang hinahawakang papel pero diko talaga yun napansin, tapos sabi ni ka Rex nong Time na yun ay umupo muna ako at mag-usapkami saglit. Kinabahan ako lalo at akala ko kung ano na, tapos pinakita nya yung papel na dala dala nya pero diko parin talaga pansin kong anong meron sa papel na iyon. Hindi ko nabasa nang maayus, at nang biglang sinabi nya na APPROVED DAW ANG KAHILINGAN SA PANLILIGAW NYA SAKIN. Reaction ko din nun kinakabahan, na nalilito, naiiyak halos mag kahalo halo emotion ko dahil di ako maka paniwala, at yun yung mismong araw ng pagtanggap nya ng approval, pinuntahan nya ako at sinabi nya kaagad saakin.

NONG MGA PANAHONG MAGKA-SINTAHAN NA KAMI

Gallery Photo 1
Gallery Photo 2
Gallery Photo 3
Gallery Photo 4
Gallery Photo 5

"Ito yung araw na ng propose Si Ka Rex Saakin"

August 14 2025

Gallery Photo 1
Gallery Photo 2
Gallery Photo 3
Gallery Photo 4
Gallery Photo 5
Gallery Photo 6

Joy's story:

Wala Talaga akong ka malay malay nong araw na yun kasi sanay na ako may e dedeliver dito samin na order nya, diko talaga alam na singsing na pala yun, wala akong kamalay malay nong andun pala sya sa kusina at ako ay nasa mesa, abala kaka cellphone nang biglang pinakita nya yung singsing at lumohod sya sa harapan ko di ako maka paniwala na nag propose sya, as in Di man lang ako nakapaghanda nindi ko pa nga naayos nails ko. Sabi ko pa sa kaniya kung magpu-propose ka, sana naman yung maayus yung nails ko. Pero yun nga, nag propose sya na di maayus nails ko, para daw unexpected talaga, di ko talaga napansin yun. Ang nakakatawa pa nun, di pa ako sumagot kaagad haha sumakit na pala tuhod nya kasi di sya umopo haggat di ako ng sabi ng "YES" . Ito yung story ng pag propose nya sakin wala video na tinake nya, memories man ang pag take ng video pero kahit walang video maalala at maalala pa rin namin ang araw na naging mag-Fiancé KAMI.

SIMPLE BUT MEMORABLE

First outside Dinner with Joy fam

AUGUST 18 2025

photo

PAMANHIKAN

September 01 2025

Gallery Photo 1
Gallery Photo 2
Gallery Photo 3
Gallery Photo 4
Gallery Photo 5
Gallery Photo 6
Gallery Photo 7
Gallery Photo 8
Gallery Photo 9
Gallery Photo 10
Gallery Photo 11

Ito Yung kanya kanya naming story Kong pano kami nag kakilala.

KA REX STORY



Ang kapatid na Joy ay ipinakilala po sa akin ng kamanggagawa. Naitanong po niya kung meron na ba daw akong hihilingin ngayon? Ang sagot ko po'y, "wala po kuya".


Panakanaka lang kung kumustahin ako ng kaibigan ko, pero sa pagkumusta niyang yun, di ko sukat akalaing, may biyaya palang dala-dala sa akin.


Una'y di ko muna siya kinausap sapagkat ang inaalala ko ay baka maraming nanliligaw sa kaniya o kumakausap. O di kaya'y may katipan pa. Kasi pag ako na ang kumilos, wala silang magagawa 😎. I'm INEVITABLE.


Alam ko naman nung una pa na sasagutin ako agad ni Joy kasi, ako na to eh. 🙂 Wala siyang kalaban-laban na mga pamamaraan ko. Di nya ako mapipigilan.


Nung araw bago ang EVM CUP namin, naalala ko siya. At napaisip isip ako, "baka anlayo ng agwat namin sa edad". Ayokong mukhang tito tignan pag tinabi sa kaniya.


Pero nang malaman ko na siya'y 19 pa pala, naisip ko, "noong grade 1 na ako, fetus pa siya" dahil 6 years gap namin. Baka matanda nako masyado sa kaniya o baka sumakit ulo niya sa akin. Baka di kami magkaintindihan.


July 7, 2025, EVM CUP, nakita ko siya sa event. Di ako makatingin ng diretsahan kasi ayokong maging awkward ang situation. Kaya sinusulyapan ko nalang siya sa malayo. Di ko siya kinausap nang personal kasi nag-aalangan ako baka nga may katipan o manliligaw siya nung time na yun.


Kaya after ng event, naglakas-loob na akong kausapin siya online para maliwanagan ako at magawan ko na rin nga kaukulang hakbang kung kinakailangan.


Habang nag-uusap kami, tila baga parang ang tagal na naming magkakilala gayun 1 hr palang kami nag uusap. Ang dali niyang kausap at nararamdaman ko ang paggalang at paghahangad niyang makabahagi sa ministerio.


Naisip ko, kung tutugon ang Ama sa hangad niya, baka ako na itong ipinadadala upang sagutin ang panata niya.


Kung ako man din, di ako mapili, mahalaga sa akin, kapayapaan sa pagsasama at ang Ama ang sentro ng relasyon.


Pinanghawakan ko na kung ito ang kaloob ng Ama, magiging payapa ang lahat. Sapagkat Siya'y Diyos ng Kapayapaan at hindi ng kaguluhan.

JOY STORY


Year 2023, Parang nakita ko na po sya dati at nag kakausap na po kami dati saglit nga lang pero parang baliwala lang saamin yun, Kasi first impression ko po sa kanya ay madami kinakausap, kasi nga daw sya ay nag hahanap nong time na yun, pero Di pa po Right time namin yun .




Kaya noong, July 05, 2025, may nang regards daw po sa akin and nag ask po ako kong sino, sabi pa parang crush daw po ako, diko alam kong totoo😅binigay yung name sakin "REXON YTANG" daw pero di ko po nakilala kasi nong dating pag uusap namin di po sya nag pakilala saakin, pero ang pagkakaalam ko po na meron na syang Gf, pero wala na daw po pala, May pa sabi sabi pa ako nun na humanap nalang sya ng iba😅, nong araw na to di pa kami nag kakausap ng Ka Rex.






July 07 2025 ay EVM CUP po nila, Pumunta po ako dun kasama kaibigan ko, Para manood ng laro kasi wala naman po akong ginagawa nong araw na yun. Umaga palang andun na po kami, pero nung hapon, dumating yung mga taga San Juan na mga BUKLOD na may dalang Snack's tapos pinasuyo po saakin at sa kaibigan ko na ihatid daw po namin yun dun banda sa mga STAFF. Pagkatapos nun nahatid na po namin, pero di po kami maka balik balik sa kong san kami galing kasi nahihiya po kami, kaya doon nalang kami umupo sataas sa bandang may CR, tapos sya pala andun sa tapat namin, nong time na yun nakilala ko na po siya nang mukhaan. Napapansin ko din po nong time na yun panay tingin tingin sya saamin, and dumaan sya sa baba namin papunta sya sa cr na pansin ko na tumigin sya saamin banda kasi kami lang dalawa ng kaibigan ko ang tao doon kong san kami naka upo,




Pagka gabi po ng July 07 2025 8:21PM, Ng message po saakin ang ka Rex, di ko po inakala na mag message sya , tapos sabi nya na andun daw pala ako sa EVM CUP, nong araw po na yun doon na po kami nag simulang mag usap. Sinabi pa nya sa akin na ilang beses na daw po sya nasugo sa kung san ako nakatala pero di nya daw po ako na kita, at di ko din po talaga sya nakita na nakapangasiwa sya sa Lokal namin. Hanggang sa nag uusap na po kami at ng papa nya na kong puyde daw po sila maka punta dito sa bahay namin para daw po mag kita at mag kausap personal. wala namang problema at wala din problema kila mama at papa.




Kaya noong July 10, 2025, Pumunta po sila sa bahay namin. Akala ko nga ay nagbibiro lang siya, eh tinutoo pala. Nagkataon ding nasugo po si Ka Rex dito sa mainland, kaya naka dalaw talaga si Ka Rex and yung Papa nya dito sa amin. Yun po yaong unang pag uusap at pagkikita namin sa personal. Na meet at nakausap din po nila si mama subalit saglit lang po kasi may trabaho pa si mama noong time na yun wala rin si papa kasi may trabaho sya, at nong time na yun pina punta ko si lolo at lola sa bahay namin para mag kakausap usap at mag kita din po sila ng ka Rex At Papa nya.




ganon po kabilis ang aming pag uusap,


Iba po Talaga pag Pinag PANATA, at KALOOB NG AMA.


That's how we've met, through God, and it was perfect.