Roniel & Clarice

December 28, 2025 • Manolo Fortich, Bukidnon, Philippines
236 Days To Go!

Roniel & Clarice

December 28, 2025 • Manolo Fortich, Bukidnon, Philippines
236 Days To Go!

Our Story

Ang Kwento Namin: Love Story na Swipin ng Tadhana


Nandito kami ngayon dahil... nag-swipe right kami. Yep, modern love story ‘to! Hindi kami nagkita sa isang coffee shop, hindi rin kami pinaglapit ng mga kaibigan—nagkita kami sa Facebook Dating App.


Noong panahon na ‘yun, abala ako (Clarice) sa pagbuo ng career ko. Seryoso akong maging successful at tanggap ko nang magiging “rich tita” na lang ako habang buhay. Samantalang si Roniel? Aba, busy din siya—busy sa pakikipag-date at pag-enjoy sa pagiging bachelor. Kung tutuusin, para kaming magkaibang planeta na hindi dapat nagtagpo. Ako, hopeless romantic na mahilig sa grand gestures. Siya, tahimik at parang wala lang pake sa mundo. Pero kahit ganoon, nag-click kami.


Hindi namin alam kung tadhana ba, algorithm, o isang glitch sa system ng Facebook Dating, pero isang swipe lang ang pagitan at nag-iba ang mundo namin. Sa kabila ng pagiging magkaiba, natutunan naming i-balance ang isa’t isa. Siya ang naging kalmado sa mga moments kong stress, at ako naman ang naging push niya para maging mas adventurous sa buhay.


Siyempre, hindi naman puro kilig at tawanan lang. Hindi mawawala ang tampuhan, asaran, at matitinding diskusyon—gano’n naman talaga ‘pag parehong strong ang personality. Pero sa dulo ng lahat, hindi lang pagmamahal ang dahilan kung bakit nandito pa rin kami. Pinili namin ang isa’t isa, araw-araw.


Kaya sa mga nagda-doubt sa online dating, ito na ang sign niyo! May forever sa pag-swipe, basta matalino ka lang pumili. 😉



With love, landian, at konting asaran,


Clarice & Roniel