anong oras ang kasal?
Siguraduhing nasa simbahan na ng 2:00PM.
Magsisimula ang pag martsa ng entourage eksaktong 2:45PM.
WALANG FILIPINO TIME! ;)
pwede bang sa reception na lang pumunta?
Kung kain lang ang habol mo, pwede naman. Charot! Although we ENCOURAGE you to witness as we exchange our vows.
Pwede bang magdala ng bata o +1?
Pasensya na po ngunit this is an INVITE ONLY/ADULTS ONLY event. Guests that are not on the list will not be accommodated in the reception. THANK YOU FOR UNDERSTANDING. ♥
kahit saan ba pwedeng umupo sa reception?
Kahit sa lapag, G lang po. Pero kung gusto ninyo sa tamang upuan, meron kaming nakalaan na seat plan, kung saan kasama mo ang mga kaibigan o kakilala mo para naman hindi ma-OP ang beshy ko na yan. :))
anong oras ang tapos ng event?
It took us years to save and plan for our lovely wedding that everyone would hopefully enjoy. The program is estimated to last until 8:00PM. PLEASE DON'T EAT AND RUN! (all caps na po, ha?) Please stay with us until the end of the program. ♥
may inuman ba after?
Magtaka ka kung wala. =)) Alam naman namin na ito ang isa sa mga sadya ng tumador friends natin. The reception venue is until 9:00PM, pero pwede namang i-extend hanggang 10:00PM. ♥
ano ang dapat suotin?
Ang tema ng aming kasal ay ALL BLACK para "emo" ang peg. =)) SEMI-FORMAL na kasuotan po. PAKISUNOD PO ANG DRESS CODE AT KULAY, PLEASE. Iwasan lang din po magsuot ng revealing clothes para sa mga babaeng guests lalo na sa simbahan, baka makurot po kayo ni Father. Eme!
anong pwedeng iregalo?
Ang inyong pagdalo ay sapat na bilang regalo. Pero kung mapilit ka talaga -- CASH. OPO, PERAHIN NA LANG PO NATIN. HAHAHAH! =)) Bilang magsisimulang mag-asawa, malaking bagay na sa amin ang kahit anong maisip ninyong makakatulong sa aming pagsasama. Example: CASH. Hahahaha =))))