Top Theme Image
Top Theme Image

Marianne & Patrick John

December 6, 2025 • Quezon City, Metro Manila, Philippines

Marianne & Patrick John

December 6, 2025 • Quezon City, Metro Manila, Philippines

Minsan sa aming buhay...

Picture of Minsan sa aming buhay...

Tunay na "Saksi ang Langit" sa ating simula

Tinahi ng tadhana ang ating pagkakakilala

Doon sa paaralan kung saan tayo nagmula

Mula sa simpleng sulyap at bungguan

Humantong tayo sa pagmamahalan


Ang bawat pader ng silid kung saan tayo nagkakilala

Ang nakakita at nakarinig ng ating simpleng pangarap

Makasama ka sa simula ng habambuhay

Heto na't mangyayari na talaga


Mula sa pagiging matalik na magkaibigan

Tayo'y umamin sa isa't isa

O pag-ibig na hindi natin matakasan

Bakit pa ba?

Kung ikaw na ang sagot sa aking dasal


Araw'y naging linggo't buwan

Ang taon ay naging dekada

Ang naging saksi sa ating pagmamahalan.

Bagama't aso't pusa sa tuwina

Hindi pa rin na maikakaila na ikaw lang mahal


Patuloy ang pagsulat ng Diyos sa ating pagmamahalan

Tayong dalawa ang kanyang bida

Ikaw ang uuwiang tahanan

Kapiling natin ang bawat isa

Karamay sa lahat ng hamon ng buhay


Magbago man ang kulay ng ating buhok

Hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko

Dahil ang isang ikaw ang taimtim na dasal

Makapiling ka sa walang hanggan ang pangarap

Hanggang sa dulo ng ating buhay.

Gallery Photo 1
Gallery Photo 2
Gallery Photo 3