December 6, 2025 • Quezon City, Metro Manila, Philippines
Marianne & Patrick John
December 6, 2025 • Quezon City, Metro Manila, Philippines
Mga Tanong at Sagot
Maaari ba akong magsama ng higit sa isa na kasama?
Nais namin na makasama kayong lahat. Ngunit, may nakalaan lamang na bilang at tao ang iyong maaaring isama. Makipag-ugnayan sa amin sa mga taong ito.
Anong regalo ang gusto ninyo?
Ang presensya at dasal para sa aming pag-iisa ay sapat na. Ngunit, kung ikaw ay mapilit, ang salapi (pera) ay hindi namin tatanggihan.
Pwede ba akong magsuot ng ibang kulay ng damit?
Mayroon kaming nakatala na kulay na isusuot ng aming mga panauhin. Tignan na lamang ang mga detalye sa website na ito
Pwede ba akong umuwi na pagkatapos ng kainan?
Naghanda kami ng detalyadong palatuntunan para sa aming pag-iisang dibdib. Ang iyong presensya hanggang matapos ito ay aming ipagpapasalamat.
Pwede ba akong kumuha ng larawan sa simbahan?
Mayroon kaming tinala na kukuha ng aming larawan. Nais namin makita ang inyong mukha habang kami ay naglalakad sa altar. Kaya't hangga't maaari ay huwag po kayong gumamit ng inyong cellphone.
Hanggang kailan nangangailangan ng tugon para sa iyong kasal?
Nobyembre 6, 2025 upang mapinal namin ang inyong magiging pwesto sa aming piging.
Paano ako makapupunta sa lugar ng iyong kasal at piging?
Nakatala sa itaas ang lugar ng aming selebrasyon. Pakitignan sa Google Maps ang lugar na naroon at kung ano ang mas madaling paraan para makapunta ka sa lugar na aming itinakda.
Anong oras ang dapat na naroon ako para sa iyong kasal?
Ang seremonya ng aming pag-iisang dibdib ay magsisimula ng ala-dos ng hapon. Hinihingi namin na ikaw ay dumating sa lugar sa ganap na alas-una y media ng hapon.
Mayroon pa akong katanungan. Paano ako makikipag-ugnayan sa inyo?
Maaari mo akong maabot sa aking "messenger" upang makipag-ugnayan.